Humigit-kumulang 26 na oras na ang nakararan nung huli kong makita ang mahal ko. Sa mga sandaling nagpapaalaman kami sa isa't-isa,,, hindi ko maiwasang maging emosyonal... kahit nga nung nasa taxi pa lang kami, sobrang hirap pigilan ang mga mata ko sa pagluha... tatlong linggo... parang sobrang daling natapos nung magkasama kami,,, pero sobrang bagal ng oras ngayong malayo na naman kami sa isa't-isa... sa mga oras na 'to, imbes na gumawa ako ng report ko para sa isang major subject, eto na naman ako, nag-eemote... hindi ko naman kasi naisip na ganito kahirap ang mararamdaman ko sa pag-uwi ko dito... inakala kong madali lang dahil nakaya naman namin noon na magkahiwalay... pero mali pala ako... sobrang sakit pala... ang hirap ipaliwanag kung gano kasakit...
Nung magkasama kami,,, madami akong hindi nasabi sa kanya... madami akong nagawa na hindi dapat,,, at mga bagay na hindi nagawa na dapat e ginawa ko at pinagsisihan ko yun... hindi pa naman siguro huli ang lahat... kaya eto ang listahan ng mga nais kong iparating sayo,,, mahal ko...
Sorry dahil na-late ako sa National Bookstore nun... Sorry dahil hindi man lang kita tinext,,, sorry dahil late ka na nakapag-lunch dahil sa'kin at sorry dahil pareho tayong nakapula...
Sorry dahil nag-exaggerate ako sa oras ng pagpunta sa Honoris... sorry dahil hindi ka naka-upo ng maayos... sorry dahil nakipagsiksikan ka... sorry dahil naka-upo ako sa kandungan mo ng mahigit apat na oras...
Sorry sa mga oras na kinailangan kong umuwi sa Caloocan o sa bahay nila Valerie sa Roxas at nabawasan ang oras nating magkasama...
Sorry sa mga sinabi kong nainis ka... tungkol sa mga ex ko,,, tungkol sa mga kagaguhan ko...
Sorry sa mga panahong hindi ko naiwasan ang pagka-insecure sa mga ex mo... sorry kung minsan ay naiisip kong sila ang tumatakbo sa isip mo...
Sorry dahil minsan ay bigla na lang akong tumatahimik ng walang sapat na dahilan... sorry kung minsan e pinapabasa ko sa'yo ang isip ko... sorry kung minsan e bigla na lang akong nagtatampo dahil sa mga walang kwentang bagay...
Sorry dahil nakapasok ka sa apat na Jollibee na may katabing Chowking...
Sorry dahil minsan e nakakalimutan kong mag "PO" at "OPO" ke sir Neric...
Sorry sa pagiging tamad ko...
Sorry kung madalas e hinihintay ko pang ikaw ang unang magsabi ng "I love you" bago natin ibaba ang telepono...
Sorry kung minsan e hindi kita nababati ng good morning...
Sorry kung madalas e matigas ang ulo ko...
Sorry dahil nainis ka sa mga gestures na ginawa ko sa mga kaklase ko sa Adventist nung get-together namin... hindi na po mauulit...
Sorry dahil sumakit ang pwet natin nung pumunta tayo sa Bongabong para maghanap ng pedeng lugar,,, at nung pumunta tayo sa SAan Rafael para hanapin ang dike...
Sorry sa mga nagawa kong kasalanan...
Sorry kung hindi ako expressive sa nararamdaman ko...
Sorry at kinailangan ko pang bumalik dito... sorry dahil hindi tayo magkasama ngayon...
Salamat kay Q...
Salamat sa pagpapakilala mo sa'kin kila Sir Neric at sa buong tropa mo... Salamat dahil alam kong gusto mong makasundo nila ako...
Salamat sa pagpapakilala mo sa pamilya mo... Lalo na kay bhing2 na parang laging hyper...
Salamat sa pagpapahiram mo sa'kin ng damit pag kelangan ko...
Salamat dahil hindi ko na-feel na out of place ako nung birthday nila ma'am Rem at ni Delfin...
Salamat dahil naging kaibigan mo si Oliver na pinatulog tayo sa bahay niya kasi sobrang gabi na para umuwi...
Salamat sa mga ala-ala na iniwan natin sa bahay ni Nestor...
Salamat dahil hindi Baboy o Lumba-lumba ang tingin mo sa'kin kahit tumaba ako...
Salamat sa pag-aalala mo...
Salamat sa pagtanggap mo kila Glaiza at Chester...
Salamat dahil natutuwa sa'yo si Carl at natutuwa ka din sa kanya...
Salamat pag-alalay sa'kin nung nagbyahe tayong sumama ang pakiramdam ko...
Salamat sa assurance na pinaparamdam mo sa'kin na ako lang...
Salamat sa pagiging mabuti,,, hindi lang bilang isang asawa kundi pati bilang bestfriend...
Salamat sa tiwala mo sa'kin...
Salamat sa tiwala mo sa ATIN...
Salamat sa pagmamahal...
Namimiss ko na yung pagsakay natin ng jeep mula Tutuban hanggang Altura... yung pag-akbay o paghawak mo sa kamay ko...
Namimiss ko ang bahay ni Nestor, ni Oliver at ni Delfin...
Namimiss ko na ang Boarding house nyo ni Mike pati ang bahay nyo sa Bacood...
Namimiss ko ang bus papuntang Batangas...
Namimiss ko na ang bahay nyo sa Roxas,,, lalo na ang kusina...
Namimiss ko na si Cymon...
Namimiss ko na yung mga panahong magkatabi tayong matulog o natutulog ako sa dibdib mo...
Namimiss ko na yung gabing sumakay tayo ng LRT2 mula Pureza hanggang sa Santolan sa dahilang gusto lang nating sumakay... namimiss ko na din yung pagsakay natin ng jeep mula Santolan hanggang Cubao at Cubao hanggang Divisoria dahil hindi natin naabutan ang huling byahe ng LRT2 pabalik sa Pureza...
Namimiss ko na yung pakikipagtawaran sa Ongpin...
Namimiss ko na yung nakikipagsiksikan tayo sa Divisoria,,, para mamili o para sumakay ng jeep papuntang Altura...
Namimiss ko ang pagyakap mo ng mahigipit at paghalik mo sa noo ko sa twing umiiyak ako...
Namimiss ko na yung pagsabi mo ng "I love you"...
Namimiss ko na yung pagpunta natin sa City Hall ng Maynila para asikasuhin ang birth certificate ng kapatid ni Glaiza... namimiss ko na yung magkasama tayong napaikot-ikot at nagtanong ng kung ano-ano... namimiss ko na yung kung kani-kanino tayo tinuro,,, dahil kahit lumabas na naman ang katangahan ko nung mga panahong yun,,, okei lang,,, dahil kasama kita...
Namimiss ko na yung paghaplos mo sa mukha ko,,, sa paghawi ng buhok ko,,, at sa paghawak mo sa tenga ko...
Namimiss ko na yung tawanan natin dahil sa mga mababaw na bagay tulad ng iced tea at panis na coke... ang pagkakaiba ng itlog na pula at pulang itlog... kung baliktad ba ang pagsuot ko sa'yo ng sing-sing,,, at kung mababasa ba tayo sa pagligo...
Namimiss ko na yung pagdantay ng ulo mo sa balikat ko...
Namimiss ko na ang boses mo...
Namimiss ko na ang kakulitan mo...
Namimiss ko na yung niluto mong sinigang na bangus na sobrang asim at sobrang alat...
Namimiss ko ng titigan ka habang natutulog...
Namimiss ko ng kulitin at asarin ka...
Namimiss ko na panoorin ka habang sumasayaw...
Namimiss ko ang lambing mo...
Namimiss ko ang halik mo...
Namimiss na kita...
Alam kong wala pa sa isang porsyento sa mga dapat kong sabihin ang nabanggit ko sa taas... pero sa ngayon,,, kahit ilang pahina pa ang maisulat ko tungkol sa'ting dalawa,,, alam kong hindi yun makakagawa ng over-pass mula dito hanggang sa kinaroroonan mo... ang hirap isipin,,, nakakasakit ng bungo at rib cage... sa twing iniisip ko ang kalagayan nating dalawa,,, lagi na lang akong bumabagsak sa tanong na "bakit kelangang maging ganito?" at lagi naman akong naiiwang nakabitin sa ere dahil hindi ko mahagilap ang sagot...
Wala ba talaga tayong ibang choice? Hanggang kelan kaya tayo ganito? Sana naman, mabilis na tumakbo ang kamay ng orasan para hindi ako mamatay sa sobrang pagkainip at pagkasabik na makita at makasama ka uli...
Basta,,, tayong dalawa lang po...
Alam mo namang mahal na mahal kita, diba? (Jan 10, 2006)
-19tanQ